Sakali umanong may makasalamuha siyang bastos na young star, hindi magdadalawang isip si Tayo Aguila na kumprontahin ito.
Aniya, bilang co-worker ay may right din siyang magsalita kung nababastos na siya ng mga kasama. Hindi raw naman siya ang klaseng tatalak, pero kung hinihingi ng pagkakataon, hindi rin naman umano siya mangingiming tumalak. Minsan daw kasi, may mga taong kailangang sindakin bago matuto.
Dating teen star si Yayo na unang nakilala sa iconic teen film na Bagets noong 1984.
Wala pa Naman umano siyang nami-meet na bastos at walang respeto na mga baguhang artista pero marami raw siyang naririnig sa iba. Sa totoo lang, gusto raw niyang may makatapat na bastos at talagang ilalagay Niya ito sa lugar nila.
Sa tagal na umano niya sa industriya, may right na siyang itama ang mali, lalo na kung nakakaapekto sa iba.