TOTOONG hindi mawawala ang basura sa ating paligid kung hindi pa rin matututo ang mga mamamayan ng tamang pagtatapon ng basura at disiplina sa sarili.
Tulad na lamang noong isang araw habang binabagtas ng Kaliwat Kanan ang kalsada sa may población sa Muntinlupa. Kung hindi lang magta-traffic bababain sana ang isang estudyante na naka-uniform pa na parang balewala na itinapon ang kaniyang basyo ng milk tea sa kalsada.
Naka-uniform pa man din. Naisip ko tuloy, parang ‘di ata naituro ang wastong pagtatapon ng basura.
Hindi man lamang inisip na ‘yung kanyang itinapong basyo ng milk tea ay babara sa drainage at pagmumulan ng pagbaha kung sakaling mayroong mga kalamidad na dumating.
Anyway, kasabay naman ng paggunita ng International Coastal Clean up (ICC) nanawagan si Senadora Cynthia Villar na proteksyunan ang dagat.
Maganda ang layuning ito ng senadora sapagkat nakikita niya ang pinsalang dulot ng mga basura sa karagatan at mga baybayin nito.
Sa paggunita ng ICC day sa buong mundo, nagtulong-tulong ang mga volunteer sa paglilinis sa mga dagat, baybayin ng ilog,waterways at dive sites sa buong mundo.
Mabuti at marami pang mga volunteers na buo ang kanilang puso sa pagtulong upang huwag masalaula ang ating likas na yaman.
Sa Cavite City, isang professor sa San Beda sa katauhan ni Julio Castillo ang siyang nanguna upang buuin ang isang Akbay Kalikasan (project Luntian Cavite) .
Ito’y bunsod na rin ng implementasyon ng Republic Act 9003, or ecological solid waste act of 2000 for an ecological solid waste management program.
Sa pagkakaalam ng Kaliwat Kanan nagsimula ang pagbuo nito sa kanyang mga estudyante sa San Beda.
Inaya na rin niya ang kanyang mga kaibigan sa General Trias Cavite na pangalagaan ang kalikasan hindi lamang pagdidisiplina sa pagtatapon ng basura kundi pagtatanim ng mga luntiang halaman sa kapaligiran.
Kung ganito ang ginagawa ng isang professor ay tiyak na maiimpluwensyahan ang mga kabataan na mahalin ang kalikasan.Magkakaroon na ng disiplina ang mga ito kung saan ang tamang tapunan ng basura.
Ang Cavite ay malapit sa kamaynilaan, kung kayat mabilis ang pagdami ng tao at hindi na halos masawata ang mga nagtatapon ng ibat ibang klase ng basura sa mga lugar.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi lamang mga estudyante ang hinikayat niya kundi maging ang mga tao sa kaniyang lugar ay iminumulat na ng kanyang grupo sa pagmamahal sa kalikasan.
Hindi lamang sa General Trias ang naisin nilang magkaroon ng luntian at malinis na paligid kundi ang mga kalapit na lugar hanggang sa gayahin na ito sa buong bansa.
Kaya naman hindi nalalayo sa naisin ni Senador Villar na bigyan ng mga pondo ang mga grupo na may malasakit sa kalikasan.
Sabi nga ni Senadora Villar ay hindi maikakaila ang kapakinabangan sa mga yamang dagat .Kaya dapat na paigitingin ang paglilinis dito.
This year’s ICC theme, Clean Seas for Healthy Fisheries “ emphasizes the crucial connection between ocean health and the abundance of our Fisheries.Clean waters are essentials for the well-being of marine life and a vibrant fishing sector, ani Villar.