BASURA PA NG KOREA IBINALIK NA

basura

IBINIYAHE  na kahapon  pabalik ng South Korea ang tone-toneladang basura na ilegal na dinala sa Fili­pinas.

Ang nasabing shipment na idineklarang plastic flakes ay nalamang naglalaman ng mixed non-biodegradable wastes.

Agad na naglabas ang Bureau of Customs (BOC) Cagayan de Oro ng  warrant of seizure and detention sa kargamento.

Ang unang shipment ng re-exportation ay matagunpay na naisagawa noong  Ene­ro 13, 2019  kasama ang  51 40-foot containers.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Port of Cagayan de Oro District Collector Jon Simon na noong Enero 19, 2020 karagdagang 50 containers  ay napabalik na sa South Korea.

Paliwanag pa ng opisyal, karagdagang batch pa ng mga basura ang kailangang maibalik  sa Pebrero 23.

Nagpasalamat  naman si Simon sa mga nasa likod ng  matagumpay na pagbabalik  ng basura sa South Korea  at  sinabi na ang ahensiya sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Guerero  ay mananatili sa kanilang tungkulin na protektahan ang border ng bansa  laban sa pagpasok ng anumang uri ng ilegal na kargamento  kabilang ang mga basura na peligro sa kapaligiran. PAUL ROLDAN

Comments are closed.