BASURA PRAYORIDAD NG DENR

Basura

UUNAHIN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang mabawasan ang baha sa bansa.

Sa report, ipatutupad ng may sistema at komprehensibo ang solid waste management (SWM) program sa bansa.

Kasama sa SWM program ang kontrol at proseso  ng solid waste disposal, gayundin ang pagbabawas sa basura sa pamamagitan ng reuse, recycling, at composting.

Itinalaga rin ng batas  ang National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na ahensiyang magpapatupad sa RA 9003.

May 17 itong miyembro mula sa gobyerno at pribadong sektor, sa pamumuno ni DENR Secretary Roy Cimatu at alternate chair naman si Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGUs) Concerns Benny Antiporda.

Sa ilalim ng RA 9003, inaatasan ang mga LGUs na magkaroon ng 10-year SWM plans upang maging matagumpay ang pag-aayos ng mga basura sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, abot na sa 83% ang mga LGUs na ang may SWM plans na aprobado ng DENR.

Naipasara na rin ang maraming open dumpsites, kasama na ang open dumpsites sa Porac, San Fernando, at Bacolor sa Pampanga; Limay sa Bataan; General Luna sa Surigao del Norte; at Calamba sa Laguna.

Nitong Enero, ipinasara  ang open dumpsite sa Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite at kinasuhan ng NSWMC sa Office of the Ombudsman ang 55 LGUs na patuloy na nagtatapon sa ilegal na open dumpsites. NENET VILLAFANIA

3 thoughts on “BASURA PRAYORIDAD NG DENR”

  1. 297376 359134Excellent blog here! Also your internet site loads up quite rapidly! What host are you utilizing? Can I get your affiliate link to your host? I wish my website loaded up as rapidly as yours lol xrumer 274532

Leave a Reply

Your email address will not be published.