BASURA PROBLEMA PA RIN NOON AT NGAYON

alex santos

TILA hindi matapos-tapos ang dati nang problema ng Metro Manila — nagkalat na basura.

Kumbaga, lumang problema na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin masolusyunan.

Mukhang wala pa ring makapagpatino o makapagdisiplina sa mga taong tapon nang tapon ng kanilang basura kung saan-saan.

Katunayan, sa Balingasa Creek malapit sa Balintawak Market, nakahakot daw ang Riverways Clearing Operations Group ng Quezon City ng 600 sako ng basura.

Aba’y kinabibilangan ito ng styro, plastic, sachets ng shampoo, coffee, cup ng noodles, mga sirang damit, pinagbalatan ng pagkain at marami pang iba.

Sinasabing dalawang linggo nang ginagawa ang araw-araw na paglilinis sa creek.

Kahit ganoon daw ang kanilang operasyon, parang hindi raw nauubos ang basura.

Ibig sabihin, patuloy na nagtatapon ng basura sa creek at kalsada ang mga residente.

Hindi na natuto ang mga tao.

Nakakalimutan na yata nila na magdudulot ito ng mas matinding problema lalo na kung tag-ulan.

Baka abutin pa raw ng isang buwan bago malinis nang tuluyan ang Balingasa Creek.

Tandaan na ang mga basurang itinatapon sa estero, creek at ilog ay babalik din at hahantong sa kalsada.

Laging namumulaklak ang kalsada sa mga plastik na basura.

Karamihan naman sa basura ay nananatili pa naman sa estero.

Ito ang dahilan kaya bumabaha tuwing tag-ulan dahil lalong walang madaanan ang tubig-baha.

Hindi rin mawawala ang katotohanan na inaanod din ito patungo sa Manila Bay.

Bunga nito, asahan na kapag nagsungit ang panahon, ibabalik din ng alon sa Roxas Boulevard ang mga basurang galing sa look.

Ang epekto, laging binabaha ang España Blvd., Araneta Avenue, Quezon Avenue, Recto at Rizal Avenues, EDSA, at marami pang lugar sa Metro.

Madalas ay nagdudulot ng grabeng trapik ang mga pagbahang ito.

Maging ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay aminadong hindi na kaya ng kanilang pumping station ang mga bumabarang basura.

Mula pa noong 1990s, ganito na ang problema natin at ngayong 2021 ay simula na ng panibagong dekada pero waring paulit-ulit ang mga nangyayari.

Ngayong panahon ng pandemya, nawa’y hindi na dapat umiral ang katigasan ng ulo ng mga Pinoy.

Dapat nating pairalin ang disiplina sa pagtatapon ng basura.

Matagal nang panawagan na isaayos ang pagtatapon ng basura pero tila walang nakikinig.

Tapon dito, tapon doon.

Iyan ang laging ginagawa ng mga nakatira sa tabing estero o ilog.

Kung hindi mapipigil ang mga ito sa pagtatapon ng basura, asahan na ang pagbaha sa mga darating pang panahon, at ang sisingilin nito’y ang mga susunod pang henerasyon.

59 thoughts on “BASURA PROBLEMA PA RIN NOON AT NGAYON”

  1. 410210 480154Excellent internet site, determined several something totally new! Subscribed RSS for later, aspire to see much more updates exactly like it. 621929

  2. 463385 807510Your home is valueble for me. Thanks!? This internet page is genuinely a walk-via for all of the information you needed about this and didn know who to ask. Glimpse correct here, and you l undoubtedly uncover it. 917190

Leave a Reply

Your email address will not be published.