BENGUET – MAKARAANG maselyohan ang kasunduan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang pamahalaang-lungsod ng Baguio, unti-unti nang numipis ang tambak na basura sa lungsod.
Una nang sinabi kamakailan ni DENR Usec. Benny Antiporda, naplantsa na ang ilang isyu sa basura noong siya ay nagtungo sa Baguio City.
Kabilang sa ikinokonsidera ay matapos ang composting machine at dapat isa ng ecological-tourism park ang tambakan.
Bukod dito, dapat ay nalinis na rin ang mga non-biogredable na basura sa lugar at nadala na ang mga ito sa sanitary landfill sa Urdaneta, Pangasinan.
Magugunita na naglabas ng cease and desist order ang DENR-Environmental Management Bureau Cordillera sa operasyon ng Irisan dumpsite dahil sa kaliwa’t kanan na paglabag sa Solid Waste Management Act.
Inanunsiyo rin ni Antiporda na kabilang ang Baguio City sa mga tourist destinations na sasailalim sa rehabilitasyon katulad ng sa isla ng Boracay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.