BASURA SA LAHAT NG BRGY PAGHIHIWALAYIN

HINIMOK ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang local government unit (LGUs) na magpasa ng mga ordinansang mag-aatas sa mga barangay na paghiwa-hiwalayin ang basurang nabubulok at di-nabubulok.

Ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and LGUs Concerns Benny D. Antiporda, dapat paghiwalayin ang mga basura para maging madali ang koleksiyon nito.

Dapat din na lumikha ang lokal na konseho ng isang ordinansang magpapataw ng parusa sa mga hindi naghihiwalay ng basura bilang pagsunod sa RA (Republic Act) 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000).

Bilang alternative chairman ng National Solid Waste Management Commission, inirekomenda ni Antiporda na lumikha ng inter-barangay enforcement group na magtatalaga ng mga “environment marshal” sa bawat barangay upang matutukan ang pamamahala ng solid waste sa mga barangay.

Dapat umano ay may nakalaang pondo ang mga alkalde para sa nasabing proyekto.

Magbibigay ang DENR ng tulong teknikal at pinansiyal sa LGUs na magsasagawa ng solid waste program.

Batay sa data ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office ng Cavite, 58.78% ng mga nakukuhang basura sa probinsiya ay biodegradable habang ang 28.19% naman ay residual wastes. NENET L. VILLAFANIA, BENEDICT ABAYGAR, JR.

One thought on “BASURA SA LAHAT NG BRGY PAGHIHIWALAYIN”

  1. 88377 613961Can I just say exactly what a relief to get someone who truly knows what theyre dealing with on the internet. You actually know how to bring a difficulty to light and make it critical. The diet should see this and fully grasp this side on the story. I cant believe youre not a lot more common because you undoubtedly hold the gift. 670960

Comments are closed.