BASURANG PLASTIC,  PAPALITAN NG BIGAS

BIGAS

PAPALITAN ng bigas ang mga basurang makokolekta  sa Cayauan City sa Isabela simula Agosto 1, 2018  kaugnay sa  programa ng naturang  siyudad na ‘Basura mo, Kapalit ng Bigas.”

Kailangang  ipunin ang mga plastik na tulad ng mga pinagbalatan ng chichirya, basyo ng mga softdrink at iba pa para mapalitan ng bigas.

Ayon kay Mr. Alejo Lamsen, ang pinuno ng CENRO-Cauayan City, ang dalawang kilong basura ay katumbas ang isang kilong bigas.

Magpapatuloy ito hanggang maubos ang 20 kaban na bigas na inilaan sa proyekto.

Ito na ang ikaanim na taong isinasagawa ng LGU-Cauayan City ang naturang programa sa ilalim ng public private partnership.

Ang mga makokolektang basura ay sasailalim sa shredding para sa magagawang bricks.

Ang naturang mga basura ay isa sa mga materyales para makagawa ng mas matibay na bricks. REY VELASCO

Comments are closed.