BASURERO NABULAGA SA VINTAGE BOMB

VINTAGE BOMB

RIZAL – NAHINTAKUTAN ang isang basurero sa nahalukay na vintage bomb sa gilid ng estero sa Antipolo City.

Sa ulat ng Antipolo City Police, bandang ala-1:30 ng hapon nang madiskubre ng isang hindi pinangalanang ba­surero ang naturang vintage bomb habang nangunguha ito ng mga metal at iba pang mga mapapakinabangang bagay mula sa creek ng Nazarene Ville, sa Barangay San Roque.

Nagulat na lang umano ito nang makita ang isang parang tube na metal/iron sa creek side na pinaniniwalaang fragment ng vintage bomb kaya kaagad na ini-report sa awtoridad.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Explosive and Ordinance Division ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) para inspeksiyunin ang vintage bomb shell, na may habang 15 pulgada, at kaagad nilang dinala sa presinto para sa proper disposal. ELMA MORALES

Comments are closed.