ZAMBOANGA CITY-DEAD on arrival sa pagamutan ang isang batang lalaki nang makoryente habang nanghuhuli ng manok sa nasabing lalawigan kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Zamboanga City Police Office, kinilala ang biktima na si John Lloyd Lazareno,11-anyos ng Barangay Cacao ng nasabing siyudad.
Lumabas sa salaysay ng ina ng biktima, tinutulungan ni John Lloyd ang kanyang ama na hulihin ang isang alaga nitong manok nang hindi sinasadyang napahawak ito sa isang live wire dahilan upang daluyan ito ng mataas na boltahe at mangisay.
Nagawa pang maitakbo ang biktima sa pagamutan subalit idineklara ng mga attending physician na nalagutan na ito ng hininga bago pa idating.
Kasalukuyang nakalagak pa ang labi ng bata sa punerarya habang sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang pangyayari. VERLIN RUIZ
Comments are closed.