BATAAN POLICE CHIEF NAGSUMITE NG COURTESY RESIGNATION

BATAAN- ALINSUNOD sa naging panawagan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. na boluntaryong magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng mga full-pledged colonel at generals ng Pambansang Pulisya.

Nagsumite na rin si Bataan Police Provincial Director Col. Romell Velasco ng kanyang courtesy resignation kasunod ng panawagan ni Sectetary Abalos.

Paliwanag ni Velasco, kahit na nagsumite na ng kanyang courtesy resignation, tuloy pa rin ang kaniyang function dahil hindi naman daw ibig sabihin nito ay bababa na sa puwesto.

Ayon kay Velasco, nakahanda rin siyang dumaan sa masusing imbestigasyon at mga karampatang due process sa itinakdang 5-man committee ng DILG.

Buo ang tiwala ni Velasco na hindi makakaapekto sa kanilang trabaho bilang pinuno ng kapulisan sa Bataan ang naging kautusan ng DILG, lalo na’t kung wala namang ginagawang masama o hindi naman sangkot sa transaksyon ng ipinagbabawal na droga. ROEL TARAYAO