NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapadala ng mga batalyon ng sundalong Fili¬pino sa Jordan kung kakailanganin upang labanan ang Islamic militants.
“If there is anything that we can do, if you are short of your army, let me know. One hundred ten million. How much o how — You need one battal-ion? Two, three, four, five? I’ll send them to you,” sabi ng Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga negosyante sa Jordan.
Ayon sa Pangulo, binisita niya ang bansang Jordan sapagkat nais niyang maging kaibigan ang mga Jordanian.
“That is the very essence of my visit,” giit pa ng Pangulo kasabay ng pag-iimbita sa mga negosyanteng Jordanians na mamuhunan sa Filipinas.
Ayon sa Pangulo, magtatatag siya ng isang departamento na tatanggap ng mga aplikasyon para sa mga negosyanteng nagnanais na magnegosyo sa Filipinas.
“I will create a department just to receive your application. We will do the processing. We will give you a list, a shop-ping list of what to produce. If everything is in order, there’s no need for you to follow it up. We will advise you that your papers have been approved and that you can start your business. And there will be a roadmap there, it’s a map where you can — it’s color-coded. See whether it’s good for mining here, it’s good for agriculture, fishing,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.