BATANES, EASTERN SAMAR NIYANIG NG MAGNITUDE 5

SAMAR – MAGKASUNOD na niyanig ng magnitude 5 na lindol ang mga lalawigan ng Batanes at Eastern Samar kahapon ng madaling araw nitong Lunes.

Batay sa ulat ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang niyanig ng Magnitude 5 na lindol ang Eastern Samar kahapon ng alas-3:28 ng umaga.

Natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong 26 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar na may lalim na 44 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Naramdaman ang Intensity III sa Dulag, Leyte at Catbalogan, Samar; Intensity II naman sa Abuyong at Alanga­lang, Leyte gayunidn sa Hinunganan at Hinundayan sa Southern Leyte maging sa Sulat, Eastern Samar

Samantala, Magni­tude 4.3 naman ang tumama sa Batanes kahapon ng alas-4:30 ng umaga.

Natukoy ang episen­tro ng pagyanig sa la­yong 86 kilometro Silangang-Kanluran ng Sabtang na may lalim na 10 kilometro at tectonic din ang pinagmulan.

Gayunpaman, wa­lang naitalang lugar ang PHIVOLCS kung saan naramdaman ang pagyanig dahil ito’y nasa karagatan.

EVELYN GARCIA