NIYANIG ng 5.4 na lindol ang karagatang nasasakop pa ng Sabtang, Batanes kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang naturang lindol ay naganap dakong alas-9:43 ng umaga na nagkaroon ng epicenter sa 20.46°N, 121.49°E – 042 km N 71°W ng munisipalidad ng Sabtang.
Ang tectonic quake ay may lalim na 48 km.
Ayon pa sa Philvocs, naramdaman ang Intensity 5 sa Sabtang, Batanes. Samantalang, naramdaman naman ang Intensity 4 sa Basco, Mahatao, Iva.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naiuulat kung nasundan pa ang nasabing pagyanig. EVELYN GARCIA