BATANG BULLY SIBAK SA ATENEO

bully

PARUSANG   ‘dismissal’ ang  ipinataw sa junior high school student na nahuli sa viral video na nambu-bully ng kapwa niya estudyante sa loob ng isang comfort room sa Ateneo de Manila University.

Ito ay matapos  ang masusing imbestigasyon ng pamunuan ng Ateneo sa dalawang partidong naugnay sa bullying incident.

Ibig sabihin nito ay  hindi na maa­ring mag-enroll o bumalik pa ulit ang naturang estudyante sa nabanggit na paaralan.

Isang task force na rin ang binuo ng school administrators upang panatilihin ang bully-free environment sa loob ng campus at nangakong hinding-hindi palalagpasin ang anumang uri ng insidente ng pambubully o pang-haharas sa kapwa estudyante.

Matatandaan na kumalat sa social media ang video ng bullying incident sa Ateneo kung saan ay huling-huli sa camera ang ginawang pananakit ng estudyante sa iba pang mag-aaral matapos papiliin kung ano ang gusto ng mga ito “bugbog o dignidad?” DWIZ882

Comments are closed.