ILANG buwan nang labis na nag-aalala ang mag-asawang Edgar at Jocelle Montes dahil sa kalagayan ng 11-anyos nilang anak na si Jomel na naka-confine sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran, Bohol dahil sa leukemia.
Mabuti na lamang at isang concerned citizen ang nag-post sa social media sa kalagayan ni Jomel hanggang sa naging viral.
Nakarating sa kaalaman ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go, ang kalagayan ni Jomel kaya inatasan nito ang Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) na tulungan ang bata.
Ang local government officials na ang umayos sa paglilipat kay Jomel mula Bohol tungo sa Vicente Sotto Memorial Center sa Cebu.
Tiniyak ni Go sa pamilya ni Jomel na wala silang babayaran sa pagpapagamot ng bata. “Nandito naman po ang gobyerno ni Pangulong Duterte na tutulong, at ‘yung Malasakit Center. Sabi ko sa magulang, aasikasuhin namin lahat ng mga pangangailangan nila. Kami na po ang bahala. Sabi ko asikasuhin na lang nila ang anak nila, sana gumaling. Sabi ko magdasal sila,” dagdag ni Go.
Nangako rin itong pag-aaralin niya si Jomel sa paggaling nito.
Malaki ang tulong ni Go sa pagpapatayo ng Malasakit Centers sa Tacloban, Iloilo at Cebu.
Ayon dito, ang centers ay isang one-stop shop na gagabay sa mga pasyente tungo sa Department of Social Welfare and Development, PhilHealth, Department of Health, at Philippine Charity Sweepstakes Office upang mapababa ang kanilang babayaran sa ospital.
Comments are closed.