BATANG NATURUKAN NG DENGVAXIA NASAWI 

Dengvaxia

MULI na namang nadagdagan ang bilang ng mga nasawing kabataan na naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Sa biglaang pagbisita ni Public Attorneys Office Chief Atty. Persida Rueda Acosta sa Tajuna Funeral sa Commonwealth Quezon City tinukoy nito ang ika-159 na nasawing si Jayssie Albert Legaspi, 15-anyos na isinailalim kahapon sa autopsy ng PAO Forensic Team.

Si Legaspi ay grade 1 student ng magka-dengue at naturukan ito ng Dengvaxia vaccine noong grade 5 noong 2016 sa kanilang eskuwelahan sa San Ildefonzo, Bulacan ng walang naganap na screening o test at pahintulot ng magulang.

Nasundan ang vaccine ng 2017 at ang pinakahuli ay 2018 kung saan nakitaan na ng sintomas ang biktima.

Ayon kay Maricel Fernandez, ina ng biktima, isinugod at na- confined sa Philippine Children’s Medical Center sa QC ang biktima na inabot ng 7 araw.

Nakalabas ng hospital at nakauwi na ang mag-ina subalit pagdating sa bahay ay biglang bumuwal ang biktima kaya’t agad isinugod ito sa Veterans Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Sa panayam ng Pilipino MIRROR kay Dr. Erwin Erfe, chief ng PAO Forensic Laboratory, lumabas sa kanilang report na nakitaan ng pamamaga at pagdurugo ng internal organs ng bata kung saan halos pareho ang pattern sa mga sinuring  biktima umano ng Dengvaxia. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.