BATANG PIER BALIK SA PORMA

Mga laro bukas:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Rain or Shine vs Phoenix
7:30 p.m. – Blackwater vs Ginebra

NAGPOSTE si Arvin Tolentino ng triple-double upang tulungan ang NorthPort na putulin ang kanilang skid sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Hindi naghabol kailanman ang Batang Pier sa 133-107 pagbasura sa TerraFirma upang maibalik ang kanilang winning ways at umangat sa 3-3 kartada.

Hindi maawat si Tolentino, kumana ng 7-of-13 mula sa field para sa 23 points na sinamahan ng 11 rebounds at 10 assists. Nag-ambag si Vanky Jois ng 26-point, 15-rebound double-double.

“We lost two straight games so kinausap ng coaching staff, especially ni coach Bonnie (Tan), ‘yung buong team, na how we handle those two losses,” sabi ni Rensy Bajar.

“Hiningi lang naman namin for today’s game is, No. 1 the energy of the players, na kailangan from the start maipakita na namin ‘yung willingness to defend, madipensahan namin sila ng maayos, and we control the boards na ‘yun nga nangyari ngayon,” dagdag pa ni Bajar.

Ang NorthPort ay galing sa back-to-back losses sa Meralco at Magnolia, subalit agad nilang nakontrol ang laro sa 33-11 sa first quarter.

Mula rito ay pinalobo pa ng NorthPort ang kanilang kalamangan sa 28 points, 69-41.
CLYDE MARIANO

Iskor:
NORTHPORT (133) – Jois 26, Tolentino 23, Navarro 18, Flores 15, Jalalon 12, Amores 8, Onwubere 7, Munzon 6, Taha 6, Yu 5, Nelle 3, Tratter 2, Bulanadi 2, Cuntapay 0

TERRAFIRMA (107) – Standhardinger 22, Hanapi 20, Ferrer 14, Sangalang 14, Hester 12, Pringle 10, Hernandez 5, Ramos 5, Cahilig 5, Olivario 0

QUARTERS: 33-11, 62-41, 96-75, 133-107