BATANG PIER DISKARIL SA FUEL MASTERS 

phoenix vs north port

Mga laro bukas:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. –  NLEX vs Rain or Shine

7 p.m. – Phoenix vs Ginebra

PINUTOl ng Phoenix ang three-game winning run ng NorthPort sa pamamagitan ng 97-87 panalo sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Umangat ang Fuel Masters sa 3-4 kartada habang bumagsak ang Batang Pier sa 7-2 sa ikalawang puwesto, sa likod ng Talk ‘N Text na may 7-1.

Sumandal ang Fuel Masters sa mainit na mga kamay nina Matthew Wright, Howell, RJ Jazul, Jorey Napoles, Alex Mallari at Jason Perkins.

Dikit ang laro sa ­unang tatlong quarters at inagaw ng Phoenix ang kalamangan sa 81-66 sa likod ng 15-2 run, kasama ang limang sunod na puntos ni Wright sa kalagitnaan ng huling yugto.

Rumesbak ang Batang Pier at dumikit sa 87-90, subalit gumanti ang Filipino-Canadian na si Wright at nag-ambag si import Richard Howell ng dalawang puntos upang ibigay ang panalo sa Phoenx sa tuwa ni coach Louie Alas.

“They showed their character and fought back when the game was on the line,” sabi ni Alas.

Muntik nang magpang-abot sina NorthPort coach Pido Jarencio at Howell sa huling walong minuto, mabuti na lamang at naging maagap ang mga league official at napigilan ang dalawa.

Nagpalitan ng puntos ang dalawng koponan at kinuha ng Phoenix ang panalo sa last quarter.

Kumana si dating Barangay Ginebra player Kevin Ferrer ng tres para ilagay ang talaan sa 64-66 ngunit iyon na lamang ang pinakamaganda ni-yang nagawa para sa nagpupumiglas na Batang Pier.

Hindi nakatulong sina Sol Mercado at Jervy Cruz na kinuha ng Batang Pier mula sa Barangay Ginebra sa isang 4-player trade na kinasangkutan din nina Ferrer at Stanley Pringle. CLYDE MARIANO

Iskor:

Phoenix (97) – Wright 28, Howell 18, Jazul 17, Pwrkins 12, Mallari 11, Chua 6, Intal 3, Napoles 2, Kramer 0, Marcelo 0, Wilson 0, Dennison 0.

NorthPort (87) – Tautuaa 19, Ferrer 18, Anthony 16, Ibeh 12, Bolick 11, Taha 6, Lanete 3, Cruz 2, Mercado 0, Arana 0.

QS: 19-28, 39-43, 64-51, 97-87.

Comments are closed.