BATANG PIER HUMIHINGA PA

Mga laro ngayon:

4 p.m. – Magnolia vs Alaska

6:30 p.m. – Ginebra vs Rain or Shine

HINDI hahayaan ni Arwind Santos na masayang ang lahat ng pinagpaguran ng NorthPort.

Isinalpak ng dating MVP ang ilang krusyal na tira para tampukan ang isa na namang maningning na performance nang pangunahan ang Batang Pier sa 124-117 panalo laban sa Terrafirma at lumapit sa quarterfinals sa PBA Governors’ Cup nitong Sabado sa Araneta Coliseum.

Malaki rin ang naiambag nina Jamel Artis, Robert Bolick at Jamie Malonzo sa paghabol ng NorthPort sa 19- point deficit tungo sa kanilang franchise-best fifth straight win, subalit si Santos ang higit na nagningning sa harap ng matikas na pakikihamok ng Terrafirma.

Ang 28-point, nine-rebound effort ni Santos ay tinampukan ng isang pull-up jumper na nagsindi sa 12-5 surge ng NorthPort mula sa ika-6 at huling pagtatabla sa laro sa 112-all at bumura sa mapait na alaala ng pagsisimula sa torneo na may limang sunod na talo.

Ang 40-anyos na si Santos ay tumapos din na may apat na triples, kabilang ang isa na nagpasimula sa pag-ahon ng Batang Pier mula sa 19-point second quarter deficit, at nagpasabog din ng 12 sa kanyang mga puntos sa third na nakatulong para makadikit sila sa  Dyip.

“Our players didn’t want to quit,” sabi ni NorthPort coach Pido Jarencio, na ang koponan ay makakapuwesto sa quarterfinals kapag nanalo sila laban sa TNT sa pagtatapos ng eliminations sa Biyernes.

Nakatuon na si Jarencio sa naturang laro.

“These five wins are nothing kung hindi namin maipapanalo ‘yung last game,” aniya. “So our (next) goal is to win against TNT and to get that quarterfinals slot.”

Tumapos si Artis na may 31 points, 8 rebounds at 8assists, habang nag-ambag sina Bolick at Malonzo ng tig-21 points kung saan ang huli ay nagdagdag ng career-high 17 assists at ang rookie ay kumalawit ng 12 rebounds para sa kanyang sariling double-double.

Ang pagkatalo ay ika-4 na sunod ng Terrafirma at nahulog sa 2-8 kartada sa kabila ng 40 points at 18 rebounds na kinamada ni Antonio Hester.

Gumawa rin para sa Dyip sina Joshua Munzon na may 24 points at Juami Tiongson na may 16 mula sa bench. CLYDE MARIANO

Iskor:

NorthPort (124) – Artis 31, Santos 28, Bolick 21, Malonzo 21, Ferrer 11, Balanza 4, Taha 4, Doliguez 2, Rike 2.

Terrafirma (117) – Hester 40, Munzon 24, Tiongson 18, Daquioag 10, Calvo 8, Go 5, Camson 4, Ramos 4, Cahilig 2, Pascual 2, Batiller 0.

QS: 35-33, 57-69, 96-97, 124-117.