Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 pm- Ginebra vs Meralco
7 pm – San Miguel Beer vs TNT
NAGBUHOS si Jonathan Grey ng 22 points, kabilang ang game-winning 3-pointer, may 11 segundo ang nalalabi, nang maungusan ng GlobalPort ang top seed Rain or Shine, 114-113, sa kanilang quarterfinals duel sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Nakatakda ang ‘do-or-die’ game ng Elasto Painters at Batang Pier para sa uusad sa semifinals sa Huwebes, Hulyo 12, sa Mall of Asia Arena.
Naging susi sa panalo ng GlobalPort ang solidong laro ng mga bataan ni coach Pido Jarencio na hindi bumigay sa loob ng 48 minuto.
Sa panalo ay naiganti ng Batang Pier ang kanilang pagkatalo sa Painters, 90-96, sa eliminations.
“I give credit to all my players for their decent game. They worked really hard and consolidated their resources to the hilt to win,” wika ni Jarencio.
“My import and the locals courageously fought hard throughout preventing the enemy to overcome them when the game was on the line,” sabi pa ni Jarencio.
May pagkakataon ang RoS na maisalba ang laro subalit sumablay ang kanilang tatlong tres sa huling 15 segundo at masakit na ibinigay ang panalo sa Global-Port.
Napilay ang opensa ng GlobalPort nang ma-injure si Ryan Araña sa bad fall sa second quarter subalit hindi ito ininda ng Batang Pier at nakipagsabayan sa Elasto Painters.
“Hindi delikado ang injury ko. Maglalaro ako sa Game 2 para tulungan ang akin mga kasamahan. Mahalaga sa amin ang laro at kailangang manalo kami para makapasok sa semifinals,” sabi ni Araña.
Humataw si GlobalPort import Malcolm White ng game-high 28 points, 16 rebounds at 3 assists, habang nag-ambag sina Stan-ley Pringle ng 21 at Sean Anthony ng 11 points. CLYDE MARIANO
Iskor:
GlobalPort (114) – White 28, Grey 22, Pringle 21, Anthony 11, Elorde 7, Taha 6, Tautuaa 6, Javelona 4, Teng 3, Eapinas 3, Guinto 3, Arana 0.
Rain or Shine (113) – Johnson 24, Almazan 17, Ahanmisi 15, Daquioag 14, Tiu 10, Norwood 9, Belga 8.
QS: 24-26, 52-60, 83-91, 114-113
Comments are closed.