BATANG PIER NALUSUTAN ANG DYIP

Batang pier

Mga laro bukas:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Blackwater vs Magnolia

7 p.m. – NLEX vs San Miguel

SUMANDAL  ang NorthPort sa drive ni rookie Robert Bolick sa huling dalawang segundo ng laro upang maitakas ang 110-108 panalo laban sa Columbian at palakasin ang kanilang kampanya sa twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa  PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Ginawa ni Bolick ang game-clinching drive matapos na umiskor si top rookie  CJ Perez sa follow-up sa mintis na fade away shot ni Eric Cam-son, may 7.8 segundo ang nalalabi.

Tumawag si coach Pido Jarencio ng timeout para ikasa ang ­huling opensiba na sinagot ni Bolick ng game-winning drive na nagdala sa Batang Pier sa ika-8 panalo sa 10 laro. Nalasap ng Car Makers ang ika-3 kabiguan sa 10 asignatura.

“Breaks of the game. It was a hard-earned victory. Columbian Dyip pushed us to the limit. It’s pretty good Bolick made the winning shot in the dying seconds,” sabi ni Jarencio.

“We have to win our last game against Meralco on July 12 to stay in the hunt for the twice-to-beat advantage,” wika ni Jarencio na hanggang ngayon ay bigo pa ring masungkit ang pinakaasam na PBA title.

Nagbida rin si Juan Nicolas Elorde sa panalo ng Batang Pier sa pagsalpak ng ng tatlong top-of-the-key triples, ang huli ay sa pasa ni Sol Mercado na nagbigay sa koponan ng 108-103 bentahe, may 1:40 minuto ang nalalabi.

“Nikko was there. He delivered three crucial triples. That set the tone for our victory,” ani Jarencio.

Dikit ang laro at nagpalitan lamang ng puntos ang dalawang koponan, ang huli ay nagtabla sa talaan sa 99-all bago tumirada si Elorde ng tatlong sunod na tres at binalewala ang game-high 38 points ni Columbian import Lester Prosper.

Na-outshoot ni Prosper si Prince Ibeh sa kanilang match-up subalit hindi ito sapat para mapigilan ang Batang Pier.  CLYDE MARIANO

Iskor:

NorthPort (110) – Tautuaa 23, Bolick 21, Ferrer 21, Ibeh 17, Elorde 14, Mercado 7, Cruz 4, Lanete 2, Arana 1, Flores 0.

Columbian (108) – Prosper 36, Perez 29, McCarthy 16, Agovida 8, Khobuntin 6, Camson 5, Escoto 4, Cahilig 0, Gabriel 0, Faundo 0.

QS: 26-21, 52-50, 82-81, 110-108