BATANG PIER NANATILING WALANG TALO

Mga laro bukas:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Meralco
vs Terrafirma
7:30 p.m. – TNT
vs HK Eastern

DINISPATSA ng NorthPort ang Magnolia, 107-103, upang kunin ang ikatlong sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

na bayani si Joshua Malonzo sa pagkopo ng Batang Pier ng 3-0 kartada.

Isinalpak ni Malonzo ang tres sa harap ng depensa ni Joseph Eriubo at umiskor ng drive matapos masupalpal ang tira sa loob ng paint ni Ryan Ratliffe.

Nilapatan ni Fran Louie Yu ng finishing touches ang panalo ng Batang Piet sa dalawang free throws mula sa foul ni Aris Dionisio.

Nalasap ng Magnolia ang ikalawang kabiguan upang mahulog sa 1-2.

Tumapos si Malonzo na may 25 points, kasama ang dalawang tres, at siyam na rebounds upang muling tanghaling best player of the game.

Nanguna si Kadeem Jack na may game-high 30 points at nagdagdag si Arvin Tolentino ng 27 points para sa Batang Pier.

“Talagang gusto nilang manalo. It’s pretty good they did it,” sabi ni coach Bonnie Tan.