BINAKURAN ni William Navarro ng NorthPort si Calvin Oftana ng TNT sa kanilang laro sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo. PBA PHOTO
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
5 p.m. – Blackwater vs HK Eastern
7:30 p.m. – San Miguel vs Rain or Shine
NANATILING walang talo ang NorthPort sa PBA Commissioner’s Cup habang ipinalasap sa TNT ang ikalawang sunod na pagkatalo, 100-95, kagabi sa Ynares Center sa Antipolo.
Naitala ni Joshua Munzon ang lima sa huling siyam na puntos ng Batang Pier, kabilang ang isang clutch three na nagbigay sa kanila ng 100-95 kalamangan, may 1:26 ang nalalabi.
Tumapos si Munzon na may 20 points at 4 steals sa ika-4 na sunod na panalo ng NorthPort para sa solong liderato.
Nahulog ang Triopang Giga, kampeon sa Governors’ Cup noong nakaraang buwan, sa 0-2 simula sa conference, na naglaro na wala si suspended big man Poy Erram.
“I just take that shot with confidence,” sabi ni Munzon hinggil sa kanyang three pointer sa stretch run. “The play wasn’t even for me but they (Batang Pier) found me. I was open and I was happy I made that shot. I’m confident about myself every time I shoot the ball. I think it’s going in.”
Nalusutan ni import Kadeem Jack ang maagang foul trouble upang tumapos na may 27 points at 11 rebounds.
Nagtala rin si Arvin Tolentino ng double-double na 17 points at 11 rebounds na sinamahan ng 6 assists. Si William Navarro ang isa pang player sa double figures para sa Batang Pier na may 12 points.
Galing sa 105-84 loss sa Eastern Hong Kong, ang TNT ay naglaro rin na wala sina veterans Jayson Castro at Kelly Williams bukod kay Erram.
CLYDE MARIANO
Iskor:
NORTHPORT (100) -Jack 27, Munzon 20, Tolentino 17, Navarro 12, Nelle 8, Yu 6, Onwubere 4, Cuntapay 3, Bulanadi 3, Flores 0, Miranda 0
TNT (95) – Oftana 20, Hollis-Jefferson 19, Pogoy 17, Khobuntin 14, Galinato 10, Nambatac 9, Aurin 4, Razon 2, Heruela 0, Exciminiano 0, Ebona 0
QUARTERS: 26-22, 45-52, 72-73, 100-95