BATANG PIER PINALAKAS ANG PLAYOFF BIDS

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Bay Dragon vs NLEX
6:45 p.m. – Converge vs Rain or Shine

BINURA ng NorthPort ang 15-point third quarter deficit upang malusutan ang nagmamatigas na Terrafirma, 91-85, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Centre sa Antipolo.

Ito na ang ika-25 sunod na pagkatalo ng Dyip.

Nanguna si Arvin Tolentino sa panalo ng Batang Pier sa kinamadang career-high 31 points at umangat ang koponan sa 5-5 kartada upang palakasin ang kanilang playoffs bid.

Kinuha ni Tolentino ang scoring honor kay ace gunner Robert Bolick at itinanghal ang dating King bilang ‘Best Player of the Game’.

Nanganganib matalo at naghabol sa 29-44 at 53-64, masiglang bumalik ang Batang Pier at na-outshoot ang Dyip sa crucial fourth period upang iposte ang come-from-behind victory.

“They refused to give up. I reminded my players to stay focus and keep playing. They resoundingly bounced back and outshot the enemy in the homestretch,” sabi ni coach Pido Jarencio.

Ganito ang nangyari sa Governors’ Cup kung saan lumamang ang Terrafirma ng 19 points at tinalo pa ng North Port, 124-117.

Ang akala ng mga nanonood ay mapuputol ng Terrafirma ang walong sunod na talo sa conference at sa wakas ay makapasok sa winners’ circle matapos lumamang ng 15 points. Subalit biglang nawalan ng sigla ang laro ng Terrafirma sa huling yugto atbibinigay ang panalo sa NorthPort.

Huling nagtabla ang laro sa 81-all at nagpalitan lamang ng puntos ang dalawang koponan bago kumalas ang NorthPort, 89-83, at hindi na binitawan ang trangko upang kunin ang come-from-behind na panalo at mapanatili ng Batang Pier ang dominasyon sa Dyip.

CLYDE MARIANO

Iskor:
NorthPort (91) – Tolentino 31, Bolick 12, Navarro 12, Ibeh 9, Sumang 7, Balanza 6, Ferrer 5, Ayaay 4, Salado 3, Chan 2, Taha 0.
Terrafirma (85) – Prosper 23, Tiongson 18, Cabagnot 16, Alolino 8, Ramos 8, Munzon 5, Calvo 3, Cahilig 2, Javelona 2, Camson 0, Gabayni 0, Gomez de Liano 0.
QS: 20-28, 45-55, 64-71, 91-85.