Mga laro ngayon:
AUF Gym
4 p.m. – Rain or Shine vs Blackwater
6:45 p.m- Ginebra vs Magnolia
NAGPAULAN ang NorthPort ng tres sa krusyal na sandali upang maitarak ang kanilang unang panalo sa PBA Philippine Cup bubble play sa pamamagitan ng 107-96 pagdispatsa sa Terrafirma sa Angeles University Foundation gym kagabi.
Nagsanib-puwersa sina rookie Renzo Subido at Kelly Nabong sa pagpapakawala ng tres upang pangunahan ang Batang Pier sa kanilang breakthrough triumph.
Mula sa 92-88 iskor, nagtuwang sina Subido at Nabong para sa apat na sunod na tres upang tulungan ang NorthPort na makapasok sa win column habang nanatiling walang panalo ang Terrafirma (0-4).
Biglang pumutok si Subido, ang 24th pick sa huling rookie draft, at kumana ng tatlong tres at isang three-point play sa huling limang minuto ng laro.
Nag-step up si Nabong sa pagkawala ni injured Sean Anthony, sa pagkamada ng 4-of-6 sa 3-point area para tampukan ang 18-point, eight-rebound game.
“We can’t go down 0-5 and we’ve gotta come out with energy and aggressiveness, and that’s what we did,” sabi ni Nabong.
“’Yung mga bata gusto nang manalo at ayaw ma-five-zero. Maraming nag-step up, and it’s a morale-boosting win for us,” ayon kay NorthPort coach Pido Jarecio.
“We’re down to a 11-strong team; actually 10-strong nga lang since Kevin (Ferrer) is playing injured. Pero talagang nag-step up sila,” dagdag ni Jarencio.
Nanguna si Christian Standhardinger para sa Batang Pier na may 23 points, 12 rebounds at 5 assists.pb
Nakalulungkot ang pagkatalo ng Terrafirma na lumaban nang husto sa hangad na kunin ang panalo. Subalit bumigay sa huli ang tropa ni coach Johnedel Cardel.
Dinala ni CJ Perez ang opensiba ng Terrafirma sa pagtipa ng 25 puntos subalit hindi ito sapat para bigyan ng panalo ang kanyang koponan. CLYDE MARIANO
Iskor:
NorthPort (107) – Standhardinger 23, Nabong 18, Lanete 14, Taha 12, Subido 12, Ferrer 8, Manganti 7, Guinto 6, Cruz 5, Elorde 2, Anthony 0, Grey 0, Revilla 0.
Terrafirma (96) – Perez 25, Adams 19, Tiongson 14, McCarthy 9, Ramos 9, Cahilig 8, Gabayni 6, Calvo 4, Balagasay 2, Khobuntin 0, Camson 0, Faundo 0, Agovida 0, Batiller 0.
QS: 27-20, 51-48, 74-71, 107-96.
Comments are closed.