Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Meralco vs Alaska
7 p.m. – Magnolia vs Rain or Shine
SUMANDAL ang Columbian sa mainit opensiba, sa pamumuno ni top rookie CJ Perez, upang maitala ang 114-108 come-from-behind win laban sa NorthPort sa PBA Governors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Umangat ang Dyip sa ika-4 na puwesto na may 2-1 kartada.
Nalimitahan ni Paolo Taha sa apat na puntos sa second period na nagbigay sa Batang Pier ng 60-52 halftime lead, nag-init si Perez at kumamada ng pitong sunod na puntos sa unang tatlong minuto ng third period at nakipagsanib-puwersa kina Filipino-American Rashean McCarthy, Eric Camson, Glen Khobuntin at import Khapri Alston upang ibigay sa Dyip ang panalo.
Abante ang Car Makers sa third quarter, 90-85, at na-outshoot ang Batang Pier sa deciding fourth canto upang ipalasap sa NorthPort ang ikalawang sunod na kabiguan sa tatlong laro.
Naging kapana-panabik ang laro sa shooting contest ng dalawang magkaribal sa NCAA na sina Perez at Robert Bolick kung saan tinalo ng dating Lyceum Pirates gunner ang San Beda Red Lions player.
Tumabo si Perez ng 26 points at 11 rebounds at muling itinanghal na ‘Best Player of the Game’.
“Ginawa ko ang lahat para manalo ang team. Masaya ako at nanalo kami,” sabi ni Perez.
Nakalulungkot ang pagkatalo ng NorthPort na dinomina ang laro at bumigay sa last quarter sa lungkot nina coach Pido Jarencio at team manager Bonnie Tan. CLYDE MARIANO
Iskor:
Columbian (114) – Perez 26, Alston 25, McCarthy 18, Camson 14, Khobuntin 11, Tiongson 6, Celda 5, Calvo 3, Cahilig 2, Faundo 2, Gabayni 2, Corpuz 0.
NorthPort (108) – Bolick 23, Tautuaa 22, Lanete 19, Ammons 15, Ferrer 11, Escoto 7, Elorde 5, Cruz 4, Mercado 2, Taha 0, King 0.
QS: 22-30, 52-60, 90-85, 114-108.
Comments are closed.