Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Terrafirma vs San Miguel
7:30 p.m. – Ginebra vs Phoenix
BINIGO ng NorthPort ang debut ni top rookie pick Justine Baltazar sa likod ng 108-101 panalo laban sa Converge upang mapanatili ang liderato sa PBA Commissioner’s Cup.
Isinalpak ni Joshua Munzon ang back-to-back three pointers upang basagin ang 97-97 pagtatabla at bigyan ang Batang Pier ng six-point lead, na hindi na nila binitiwan tungo sa kapana-panabik na panalo.
Ang Batang Pier ay nanatiling walang talo na may 5-0 record, ang kanilang pinakamagandang simula sa franchise history at napantayan ang pinakamahabang winning streak ng koponan.
Sinabi ni coach Bonnie Tan na batid ng Batang Pier na ang 6-foot-8 na si Baltazar, ang no. 1 overall pick sa nakaraang draft at two-time MVP sa MPBL, ay sasalang sa kanyang unang PBA game laban sa kanila.
“We just discussed na huwag naming ibibigay sa isang rookie (in his first game) yung magandang ginagawa natin sa first four games,” sabi ni Tan.
“At least nag step up ‘yung players natin to get that fifth win. Kumbaga yung run that was done ny team ay masisira lang ng isang rookie player. So na-challenge siguro sila sa ganun and na-realize ng mga players na masasayang nga yung 4-0 start nila.”
Tumapos si Munzon na may 30 points, 3 rebounds, 3 assists, at 3 steals, habang naitala ang 13 sa kanyang mga puntos sa final quarter upang agawin ang spotlight kay Baltazar.
Ang Converge rookie, galing sa back-to-back championship stint sa Pampanga Giant Lanterns sa MPBL, ay naglaro sa loob ng 20 minuto at tumapos na may 5 points, 4 rebounds, at 3 assists sa kanyang unang laro sa liga.
Nahulog ang Converge sa 2-2 record at nalagay si import Cheick Diallo sa foul trouble at nag-ambag lamang ng 13 points at 9 rebounds. CLYDE MARIANO
Iskor:
Northport (108) — Jack 32, Munzon 30, Tolentino 21, Nelle 13, Yu 6, Navarro 4, Onwubere 2, Flores 0, Tratter 0, Bulanadi 0, Cuntapay 0, Miranda 0.
Converge (101) — Heading 30, Stockton 16, Winston 15, Diallo 13, Arana 8, Racal 7, Baltazar 5, Santos 4, Andrade 3, Delos Santos 0, Nieto 0, Javillonar 0, Caralipio 0.
Quarterscores: 24-33; 54-57; 75-76; 108-101