ISANG 13-anyos na Pinay gymnast na nakabase sa United Arab Emirates at nagwagi na sa mga pangunahing kompetisyon ang nakasubaybay sa double gold na tagumpay ni Carlos Yulo sa katatapos lang na Paris Olympics na nais niyang tularan bilang inspirasyon para pagbutihin pa ang kanyang talento at balang araw ay maging bahagi ng Philippine Olympic team na mag-uuwi ng pinakamataas na karangalan.
“In my free time, I would open my social media and scroll through any performance of any gymnast in the Olympics or in any other competitions, and it prompts me to do better in every performance I do. I would like to represent Philippines someday,” sabi ni Gabrielle Anne Opida Ramos, isang Grade 9 student at bunso sa tatlong magkakapatid.
Ayon kay Ramos, hindi siya makaalis sa kanyang upuan habang pinanonood si Yulo na gumawa ng kasaysayan sa Paris Olympics.
“When I was watching the live performance for gymnastics, my stress was to the top because of how intense and close the scores of the other athletes were. Once I saw Carlos Yulo score a 15 in his routine, I’ve never been so happy and proud to see an amazing team player representing the Philippines to win, because of course, as a rhythmic gymnast, I would feel as joyful as he did seeing his hard work paying off,” wika ni Ramos, na ang mga magulang ay kapwa overseas Filipino workers (OFWs).
Ang kanyang ama na si Jefferson ay isang accountant at ang kanyang ina na si Venus ay isang shadow teacher.
RUBEN FUENTES