BATANG PINOY FINALS WINNERS HAHASAIN NG NSAs

PSC Chairman William Ramirez

BUKOD sa insentibo sa national record breakers, ang mga atleta na kikinang sa Batang Pinoy finals ay malaki ang pag-asa na sumabak sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin sa bansa at sa iba pang international sports competitions, ayon sa Philippine Sports Commission.

“There is a strong possibility they can compete in the SEA Games,” pahayag  ni PSC Chairman William Ramirez.

“The ultimate goal of Batang Pinoy is to tap young potential talents and the annual nationwide competition is the best answer in search for talents,” aniya.

Umaasa ang dating atleta at athletic director na taga-Davao na mara­ming young sports stars ang matutuklasan dahil ang mga kalahok ay masu­sing sinala sa eliminations na isinagawa sa Luzon, Visayas at Mindanao sa ilalim ng pangangasiwa ni Commissioner Dr. Celia Kiram.

Ayon pa kay Ra­mirez, inilunsad ang Batang Pinoy para makatuklas ng mga batang atleta na may kakayahang magbigay ng karangalan sa bansa.

Dagdag pa niya, ang matutuklasang atleta na may potensiyal na katawanin ang bansa sa international competitions ay ipamamahagi sa National Sports Associations (NSAs) na kanilang kinabibilangan at sasanayin ng national  coaches upang maging world-class.

May 5,000 atleta na may edad 18 at pababa mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang magtatagisan ng galing sa 27 sports sa weeklong competition na magsisimula ang aksiyon sa Lunes, Setyembre 17, sa Baguio at Mountain Province.

“The athletes and officials from other regions will have the opportunity to experience the chill condition and see places of interest in Baguio and the strawberry field in Mountain Province,” sabi ni Ramirez.

Siyam na sports na hindi nilaro sa eliminations ang lalaruin sa grand finals – cycling, gymnastics, judo, futsal, muaythai, triathlon, weightlifting, wushu at wrestling.

“This is the rare opportunity for the people of Baguio and Mountain Province and other provinces in CAR to witness sports competition they never seen in the past,” dagdag pa ng PSC chief.

Kasama sa mga sports na paglalabanan ang athletics, swimming, arnis, basketball, softball, lawn tennis, table tennis, softball, baseball, badminton, pencak silat, sepak takraw, at combat sports, kasama ang boxing at taekwondo.   CLYDE MARIANO

Comments are closed.