(Batang Pinoy grand finals) BAKBAKAN NA!

Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA – Umpisa na ang umaatikabong bakbakan sa Batang Pinoy grand finals, tampok ang 5,663 atleta mula sa 252 local government units na magpapaligsahan sa 32 sports, kasama ang centerpiece athletics.

Apat na ginto ang nakataya sa athletics na pa­ngangasiwaan ni dating SEA Games middle distance record holder at ex-Patafa secretary-general Renato Unso at gagagawin sa Speaker Ramon Mitra Sports Complex.

Lalaruin din ang arnis, archery, cycling, gymnastics, karatedo, judo, muaythai, weightlifting, wrestling, wushu, pencak silat, taekwondo, billiards, dance sports, duathlon at triathlon.

Sa kanyang maikli subalit makahulugang mensahe matapos ang solidarity meeting na dinaluhan ng mga namumuno sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs), hinamon ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga atleta na ipakita ang kanilang angking galling upang maging kinatawan ng bansa sa international competitions, kabilang ang  Southeast Asian Games at Olympic Games.

“All of you have one goal to shine in your pet sports. This is the chance to showcase your God-given talents and convince NSA leaders and coaches that you deserves a place in sports,” hamon ni Ramirez sa mga atleta.

“Batang Pinoy is unarguably the breeding ground of future sports stars. I am expecting many athletes will shine in the best-of-the best among athletes qualified in Mindanao, Visayas and Luzon legs,” ani Ramirez.

Naglaan ang PSC ng P16 million para masiguro ang tagumpay ng Batang Pinoy na gaganapin dito sa ikalawang pagkakataon.

Ang Davao ang may pinakamalaking delegasyon na 394 sa hangaring makuha ang overall championships kung saan makakalaban nila ang powerhouse Laguna, Iloilo, Cebu at Pasig na may 190 delegation. CLYDE MARIANO

Comments are closed.