DAHIL sa bansa gaganapin ang Southeast Asian Games sa Nobyembre, pinaaga ng Philippine Sports Commission (PSC) ang iskedyul ng 3-leg Batang Pinoy na sisimulan sa Mindanao leg sa Pebrero 2-9 sa Tagum, Davao del Norte.
“Batang Pinoy is usually scheduled last quarter of the year. We changed the date and hold the tournaments early because of SEA Games. We’ll give our athletes enough time to prepare,” sabi ni PSC Chairman William Ramirez.
Ito ang pangalawang beses na gagawin ang Mindanao leg sa Davao del Norte.
Ang Visayas leg ay lalarga sa Iloilo City sa Pebrero 23-Marso 2 at ang Luzon leg ay sa Isabela sa Marso 16-23.
Ang Iloilo ang pang-apat na lalawigan na naging host ng Visayas edition, matapos ang Dumguete City, Romblon at Antique.
Ang mga atleta na makakapasa sa qualifying sa Davao del Norte, Iloilo at Isabela ay magbabakbakan sa grand finals at ang mapipili ay sasanayin ng mga coache ng National Sports Associations (NSAs).
Ginawa ang grand finals ng 2018 Batang Pinoy sa Baguio Athletics Bowl at Benguet, Mountain Province.
“Batang Pinoy is truly the breeding ground of future athletes. I am pretty sure many young promising athletes will surface,” wika ni Ramirez.
Mahigit 4,000 atleta na may edad 15-17 ang sasabak sa bawat leg, tampok ang 20 sports, kasama ang medal rich athletics at swimming.
Ang Batang Pinoy ay isa sa mga proyekto ng PSC, kasama ang elite Philippine National Games at Women in Sports na pinangangasiwaan ni Com-missioner Dr. Celia Kiram.
“The hosting of Batang Pinoy in Davao del Norte manifested Mindanao is generally peaceful and an ideal place for sports competition,” ani Ramirez.
Bukod sa athletics at swimming, ang mga sports na lalaruin ay ang archery, badminton, boxing, karatedo, sepak takraw, table tennis, arnis, chess, lawn tennis, softball, taekwondo, basketball, dance sport, pencak silat, volleyball at beach volleyball. CLYDE MARIANO