BATANG PINOY VISAYAS AARANGKADA SA ILOILO

batang pinoy visayas

NASA  3,000 atleta mula sa 67 local go­vernment units sa buong Visayas region ang inaasahang lalahok sa Batang Pinoy qualifying leg ng ­Philippine Sports Commission (PSV)  na aarangkada sa Iloilo City sa Linggo.

“The city and pro­vince of Iloilo have been wanting to host the Batang Pinoy and we are glad it’s finally happening here,” wika ni Iloilo City Youth and Sports Development Office Head Moises Salomon Jr.

Sinabi naman ni National Secretariat Deputy Head Paul Ycasas na isinasagawa na ang pinal na paghahanda upang asistihan hindi lamang ang mga atleta, kundi maging ang 572 coaches at  135 delegation officials na dadalo sa games.

Tulad sa Minda­nao leg nito sa Tagum, Davao del Norte noong nakaraang Pebrero 2-9, ang grassroots sporting event ng PSC para sa in-school at out-of-school children na may edad 15 pababa ay tatampukan ng 20 spor­ting events na idaraos sa 15 iba’t ibang  ­playing venues.

Tinukoy ni Ycasas ang La Paz Elem. School, Graciano Elem. School, Pison Elem. School, Montes Ele­mentary School, Jaro Elem. School at Jalandoni Memorial Nat’l High School bilang anim na billeting areas para sa mga atleta sa buong rehiyon.

Noong Nobyembre 2017 edition ay inangkin ng Cebu City ang Batang Pinoy Visayas leg overall title na may 46 gold medals, 59 silver medals at 69 bronze medals, at pumangalawa ang host Dumaguete City na may  41 gold, 29 silver at 44 bronze medals.

Comments are closed.