BATANG PWDs IPAREHISTRO SA BARANGAY

HINILING ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardians ng batang persons with disability (PWDs) o minors with disability (MWDs) na iparehistro ito sa mga barangay.

Ito ay upang makasama ang mga ito sa listahan ng tatanggap ng montlhy monetary aid na ibinibigay ng city government sa pamamagitan ng social amelioration program.

Sinabi ni Lacuna na ang tanggapan ni social welfare department chief Re Fugoso ay magsisimula ng isama ang mga minor na narehistro na sa mga barangays sa kanilang payout na isasagawa sa isang buwan, kabilang ang mga solo parents.

Ang pagsasama ng MWDs sa listahan ng lungsod para tumanggap ng cash aid ay alinsunod sa Ordinance 8991 ipinasa sa Manila City Council at principally authored ni Councilor Fa Fugoso (3rd district).

Sinabi ni Lacuna na ang concerned minors ay tatanggap ng P500 monthly allowance mula sa city government of Manila.

Sinabi pa ng alkalde na masaya ang lungsod sa pagyakap sa mga MWDs at sa pagbibigay sa kanila ng allowance, maliit man ito.

Ang ordinance 8991 na ipinasa noong September 19, 2023, ay nag-amyenda sa Ordinances 8565 at 8756 at magkaloob ng allowance sa mga adult persons with disabilities (PWDs), maliban sa seniors at solo parents na nakatira sa Maynila.

Sa ilalim ng amendment na ipinakilala ni Councilor Fugoso, lahat ng PWDs aged 59 and below ay entitled sa P500 monthly kung sila ay nakatira sa lungsod sa huling anim na buwan.

Kailangan na ang kanilang pangalan ay nasa listahan ng PWDs na kinompiled ng tanggapan ni Fugoso.

Kailangan din na sila ay registered voters ng Manila, maliban sa minors kung saan magulang at legal guardians naman ang siyang dapat na botante.

Sa kasalukuyan, ang city government ay magbibigay ng monthly financial aid sa senior citizens, PWDs, solo parents, Grade 12 students at mga estudyante mula sa two city-run schools, na kinabibilangan ng Pamantasan ng Maynila at Universidad de Manila. ` VERLIN RUIZ