MAYNILA – NAKIUSAP ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga taga-Tondo na nagdiriwang ng kanilang kapistahan na sanay huwag maging pasaway at panatilihin ang kaayusan sa buong panahon ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño.
Nanawagan si Mayor Isko Moreno sa Tondo residents na sana ay ipagdiwang ang Feast of the Sto. Niño nang maayos at mapayapa.
Ayon kay Moreno, hindi dapat na mabahiran ang taunang kapistahan ng mga simpleng sigalot o kulitan na kadalasan ay nauuwi rambolan kung minsan ay trahedya pa.
Kung hindi talaga maiiwasan na uminom ng alak na nakagawian na tuwing may kapistahan ay sana naman na alamin ang inyong limitasyon ani Isko Moreno.
Pakiusap pa ni Moremo, sa halip na gastusin ang perang pinaghirapan sa alak at mga nakalalasing na inumin ay sa pagkain na lamang o sa mga pangkasiyahan gugulin ang pera.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang alkalde sa Manila Police District (MPD) Director Chief Superintendent Balba para tiyakin na magiging ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto Niño. VERLIN RUIZ
Comments are closed.