SINABI ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na handa siyang makipagtulungan sa mga magsasakang agrarian reform beneficiaries kung kinakailangan upang maresolba ang kanilang kalagayan sa gitna ng sigalot ng mga ito sa kompanyang Roxas and Co.Inc. na nagmamay ari aniya ng kanilang tinitirhan at sinasaka sa Hacienda Palico, Banilad, at Caylaway sa Nasugbu Batangas, matapos ipatupad kamakailan ang pagkansela ng Korte Suprema sa Certificate of Land Ownership Award (CLOA) na ibinigay sa kanila ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ipinamahagi sa kanilang sakahan sa naturang lugar.
Sa isang panayam, matapos ang kanyang speaking engagement sa Rotary Club of Manila sa Manila Polo Club nitong Pebrero 15, sinabi ni Mandanas na handa siyang makipagnegosasyon sa mga partido na sangkot sa naturang land dispute upang makatiyak na hindi madi-displace ang mga magsasaka.
Subalit dahil aniya ito ay isang desisyon at kautusan ng Korte Suprema na dapat igalang, hanggang negosasyon lang ang maaari niyang gawin upang mahimok ang mga may ari ng lupain at DAR na tumulong upang masiguro na mailalagay sa ayos ang kalagayan ng mga apektadong magsasaka sa pagpapatupad ng kautusan ng Katas taasang hukom.
Samantala, inihayag naman ni Atty. Napoleon Galit, DAR Undersecretary for Legal Affairs Office na iniurong na ng Roxas and Co. Inc. ang lahat ng kasong isinampa ng naturang kompanya laban sa mga magsasaka at ibinigay na sa DAR ang exclusive authority at hurisdiksyon para aksyunan ang pamamahagi ng mga lupa sa mga benepisaryo.
“The resolution of the four decades long land dispute between farmers groups and Roxas and Co. Inc., is a win for farmers, because the Supreme Court, under G.R. No. 127876 dated December 17, 1999, earlier decided in favor of the landowner(Roxas and Co.Inc. and ruled that the Notice of Coverage issued by the Department of Agrarian Reform (DAR), was illegal. The decision subsequently rendered the Certificate of Land Ownership Award (CLOA), issued by the DAR to the farmers groups, invalid,” ang pahayag ni Galit.
“The Supreme Court ruling under G.R. 127876, dated December 17, 1999, ruled in favor of Roxas and Co. Inc., resulting in the invalidation of the certificates of land ownership award (CLOA) issued to them.This led to the protracted litigation between the two parties, at the Supreme Court, the Court of Appeals, and the Office of the President, before the DAR stepped in as the mediator last year, in an honest effort to get the two parties to come to a mutually-beneficial settlement,’ dagdag nito.
Nauna nang idineklarang ilegal ng Korte Suprema noong Disyembre 17, 1999 ang Notice of Coverage na inisyu ng DAR sa mga nabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA).
Subalit dahil sa naging kasunduan, posible na umanong maipapamahagi na ng tuluyan sa mga magsasaka ang pinag -awayang lupain na nasa 1,322.23 sa Batangas matapos umano ang consolidated Order ng Department of Agrarian Reform noong Disyembre 29, 2023. Naging final and executory ito nitong Enero 30, 2024. Ito ay matapos ang nabuong kasunduan sa mga naturang partido at pag urong ng kaso ng Roxas and Co.Incorporated
Tinatayang aabot sa may 1,300 na magsasaka na may nakanselang CLOA ang maari ng makatanggao ng palupa base sa nabuong kasunduan. Halos kalahati ng kabuuang lupang pinagtatalunan ay ipapamahagi na ayon sa DAR officials. Ito ay base sa talaan ng DAR Si Atty. Nenita C. Mahinay, ang nag-represent ng four legitimate farmers groups.Ma. Luisa MaMacabuhay-Garcia