MULING niyanig ng 3.5-magnitude na lindol ang lalawigan ng Batangas, kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol alas-10:47 ng umaga sa Verde Islands sa Batangas.
May lalim itong 9 kilometer na yumanig sa hilagang silangan ng isla.
Naramdaman ang Intensity III ng pagyanig sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, at Intensity II sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Nabatid na tectonic in origin nag lindol na bunsod ng paggalaw ng aktibong fault malapit sa lugar.
Gayunman, walang inaasahang aftershocks sa pagyanig.