Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang mosyon para sa deklarasyon ng State of Calamity dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) ngayong araw, Agosto 12.
Ayon sa lokal na pamahalaan, alinsunod ito sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), at opisyal na pinagtibay sa ika-33 sesyon ng Sangguniang Panlalawigan. | via Batangas PIO