BATAS NA MAGMOMODERNISA SA LA UNION MEDICAL CENTER NILAGDAAN NI DUTERTE

LA UNION MEDICAL CENTER

PORMAL ng nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong gawing moderno ang La Union Medical Center upang mapalawak ang serbisyong ipagkakaloob sa mga nani­nirahan na La Union province at Northern Luzon.

Ang naturang batas ay inihain ni Rep. Sandra Y. Eriguel sa ilalim ng Republic Act No. 11083 na pinirmahan ni Duterte noong Setyembre 23, 2018.

Ani Eriguel, sa naturang batas, ina-upgrade nito ang serbisyo at pasilidad ng La Union Medical Center sa ba­yan ng Agoo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bed capacity na mula 100 ay gagawing 300 at magtatayo rin ng trauma center.

“This would also mean an increase in the number of medical personnel and appropriating the necessary fund for expansion of La Union Medical Center, which is considered the premier medical facility in the province,” anang kongresista.

Nakapaloob pa sa batas, maglalaan ang provincial government ng La Union at LUMC ng kani-kanilang pondo kung kina-kailangan para sa upgrading at expansion ng healthcare facility.

Gayundin, sinabi ni Eriquel na may mandato rin ang Department of Health na bigyan ng subsidiya ang LUMC para sa capital outlay nito na kung saan ay nakapaloob ang P100 milyong financial assistance sa nasabing ospital sa loob ng tatlong taon.

Tinukoy pa ng mambabatas, ang magandang track record ng LUMC pagdating na kahusayan, galing at kahanga-hangang mga accomplishment nito na itinatag noong 2002 bilang economic enterprise.

Sa ilalim ng RA 11083, inamiyendahan nito ang RA 9259 o ang tinatawag na La Union Medical Center Charter noong 2004 upang masiguro na de kalidad ang pasilidad at abot kayang medical at surgical care para sa mga taga-La Union at Region 1.

Ipinagmamalaki ni Eriguel na ang LUMC ay kinokonsi­derang “crown jewel” ng La Union dahil sa pagpapanatili ng tuloy-tuloy na paglago ng kita nito bilang local government-owned and controlled corporation.

Ani Eriguel, dahil sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) ay hindi maiwasan ang pagdami ng taong nagtutungo sa La Union kung kaya’t mas kailangan ng mga karagdagang  hospital bed at trauma center sa LUMC.

Base sa talaan ng LUMC, sa loob ng sampung taon ay unti-unting dumarami ang bed capacity gayundin ang kita ng ospital na nasa 135% ang bed occupancy rate nito noong 2012 at umabot sa 184 ang bilang ng mga hospital bed.

Nabatid pa na ang kita ng LUMC ay tumaas ng 735% o P84.86 million mula sa P11.08 million noong 2002 at umak­yat ito ng P95.94 million noong 2012  kahit na ang financial subsidy mula sa pronvincial government ng La Union ay nanatili sa P35 million sa loob ng limang taon.

Comments are closed.