PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang availability ng 2019 govern ment funds hanggang 2020 kasunod ng pagkakaan tala ng pagpasa sa national budget ngayong taon.
Nilagdaan ni Duterte ang Republic Act No. 11464 nitong Disyembre 20 na nagtatakda na ang appropriations sa ilalim ng 2019 national spending plan ay maaaring ipalabas hanggang Disyembre 31, 2020.
Ang batas ay magpapahintulot sa mga ahensiya na gastusin ang pondo para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) at capital outlays sa 2019 national budget hanggang sa susunod na taon.
Ito ay matapos na maantala ang pagpasa sa budget ngayong taon at ang midterm election ban sa infrastructure projects.
Saklaw ng MOOE ang daily operational costs ng government units, habang ang capital outlay ay ang alokasyon para sa infrastructure construction o improvement.
Magugunitang noon lamang Abril nilagdaan ni Presidente Duterte ang P3.7 trillion 2019 national budget dahilan para mag-operate ang pamahalaan sa reenacted 2018 budget.
Comments are closed.