BATASAN COMPLEX ‘FIT FOR OCCUPANCY’

BATASAN COMPLEX

IDINEKLARANG ligtas at ‘fit for occupancy’ ang buong gusali ng Batasan Complex matapos ang assessment na ginawa kahapon dahil sa 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes.

Pinangunahan ni House Acting Secretary General Dante Roberto Maling ang pagbuo ng limang inspection team ng Kamara kasama ang  House of Representatives Engineering and Physical Facilities Bureau at Legislative Security Bureau.

Sinuri ng mga ito ang bawat sulok ng Batasan Complex para makita kung may mga crack o damages na naiwan pagkatapos ng nangyaring lindol.

Lumalabas sa isinumiteng report ng bawat team na kinakitaan lamang ng minor cracks sa mga pader, kisame, floor tiles, electri-cal wirings, pipelines, windows, columns at beams ng mga ininspeksyong gusali.

Inirekomenda lamang ang agad na pagsasaayos ng mga ito.

Sa overall structural viability assessment ng limang inspection team, cleared o fit for occupancy para sa mga empleyado ang mga gusali at tanggapan sa Mababang Kapulungan.

Magpapatuloy naman ang assessment para i-monitor at tiyakin ang structural safety ng Batasan Complex.         CONDE BATAC

Comments are closed.