BATASAN PAMBANSA COMPLEX BANTAY SARADO

BANTAY sarado ng pulisya ang paligid ng Batasan Pambansa Complex sa Quezon City kung saan kasalukuyang isinasagawa ang canvassing ng mga boto para sa president at vice president na sinimulan kahapon.

Ayon kay Maj. Wennie Ann Cale, spokesperson ng Quezon City Police District (QPCD), umaabot sa mahigit 3,086 police officers ang itinalaga para magbantay at tiyakin na maging ligtas ang paligid ng complex at mga katabing lugar.

Sa nasabing bilang umano, 2,155 ay mula sa QCPD habang ang iba naman ay mula sa ibang police districts.

Aniya, isinara sa trapiko ang IBP Road bilang bahagi ng security measures at maaaring dumaan ang mga motorista sa Litex Road para sa alternatibong ruta.

Ang mga pulis ay itinalaga sa mga strategic na lugar sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para sa mga nagpa-planong magasagawa ng kilos protesta sa naganap na halalan nitong Mayo.

“As of now, there are know protesters,” pahayag ni Cale.

PInayuhan naman ng PhilippineNational Police (PNP) ang mga grupong nais magsagawa ng rally habang isinasagawa ang congressional canvassing ng mga boto na kumuha muna ng permits mula sa local government unit (LGU) upang maiwasan ang anumang kaguluhan.

Sinabi ni PNP Directorate for Operations head Maj. Gen. Valeriano de Leon, bagaman ipinatutupad nila ang maximum tolerance ay hindi sila mangingiming gamitin ang batas kung ang mga demonstrador ay magiging marahas.

“Otherwise, it’s either we disperse them or arrest the organizers, dahil sigurado ako na ang peace and order ay maapektuhan kung hindi ito gagawin sa tamang oras, sa tamang lugar at sa tamang pamamaraan,” giit ng PNP official. EVELYN GARCIA