BATO, ACORDA PANGUNGUNAHAN ANG PNP PRESS CORPS SHOOTFEST

PANGUNGUNAHAN nina Senador at dating PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa at PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Press Corps First Invitational Shoot fest na magsisimula sa Biyernes hanggang Linggo.

Ang aktibidad na isasagawa sa shooting range ng Kamp Karingal ay isang Level 1 Philippine Practical Shooting Association (PPSA)-sanctioned match na may limang stage at 120 round para sa handgun at Pistol Caliber Carbine(PCC).

Bukas ito para sa miyembro ng media at gun enthusiasts na maaari ring samantalahin ang on-site caravan sa pagproseso ng renewal o bagong aplikasyon ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Ayon kay PNP Press Corps President Mar Gabriel, layon ng aktibidad na mapahusay ang kakayahan ng mga miyembro ng media na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga banta sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng baril.

Aniya, ang aktibidad ay isa ring fund-raising activity para sa benepisyo ng mga miyembro ng media na biktima ng karahasan na mangangailangan ng pinansyal na tulong.

Ang mga interesadong lumahok ay maaring makipag-ugnayan sa PNP Press Corps Secretariat sa e-mail na [email protected]; at numerong 09285081296.
EUNICE CELARIO