CAPIZ – NASA 22 pamilya na kinabibilangan ng mahigit 100 katao ang nananatili sa evacuation center sa bayan ng Sapian matapos ang pagdausdos ng mga bato sa Sitio Ilaya, Barangay Poblacion, Capiz.
Nahintakutan ang mga residente sa tunog na sinundan ng pagbagsak ng mga bato patungo sa lugar na kinatatayuan ng kanilang mga bahay sa paanan ng bundok.
Dahil sa pangamba na posibleng masundan pa ang pagdausdos ng mga bato, ipinag-utos ni Mayor Arthur John Biñas ang paglikas sa mga residente.
Naniniwala ang mga ito na dahil sa pag-ulan sa lugar, lumambot ang lupa sa bundok na naging rason upang dumausdos ang mga bato.
Pinaniniwalaan din na dahil sa nangyaring lindol nitong linggo at ang blasting sa naturang barangay ay nagsibagsakan ang mga bato.
Sa pagsisiyasat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sapian at Aksyon Tabang, napagalaman na may mga bato pa sa ibabaw ng bundok na posibleng bumagsak sa mga bahay sa paanan nito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.