IGINIIT ni Senador Ronald Dela Rosa nitong Lunes na hindi niya hihilingin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan siya mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war ngunit hinimok siyang protektahan ang soberanya ng bansa.
“I am not calling them to protect me. I am calling them to protect the dignity of this country na dapat hindi tayo basta-basta lang babalasubasin at ang bansa,” ayon kay Dela Rosa nang tanungin kung hihingi siya ng tulong ukol sa imbestigasyon ng ICC.
“This is purely domestic affairs… Our justice system is working, hindi natutulog. Ano pa, bakit pa sila (ICC) mangingialam dito?” aniya.
“Huwag lang balasubasin ang ating sovereignty, dapat ito ay protektahan ng kung sino ang nakaupo sa Malacañang,” dagdag pa ng dating Philippine National Police (PNP) chief.
Nang hingin ang reaksyon sa desisyon ni Marcos Jr. na wakasan ang lahat ng pakikipag-ugnayan ng bansa sa ICC, sinabi ng senador, “allelujah!”
“Salamat. Masyadong ginagawa nilang kawawa [ang Pilipinas]. Tapos na. End of story, wag na natin pansinin, hindi nila pinapansin pakiusap natin, huwag na rin natin sila pansinin,” aniya pa. LIZA SORIANO