BATO, KABADO SA IMBESTIGASYON NG ICC SA WAR ON DRUGS

NAKAKARAMDAM  umano ng kaunting kaba si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs.

“Normal ‘yan [mag-alala]. Kaunti. Nag-aalala,” ani Dela Rosa.

“Problema naman talaga ‘yan kung tutuusin. Alangan sabihin kong hindi problema ‘yan,” dagdag niya.

Pero handa naman umano siyang harapin ang imbestigasyon ng ICC ukol dito.

“That’s really a problema, but I am ready (to face it). No doubt about it, I am ready,” aniya ng mambabatas.

Dawit si Dela Rosa sa imbestigasyon ng ICC kay Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y paglabag sa karapatang pantao dahil sa war on drugs.

Naunang sinabi ng presidential aspirant na hindi niya papayagan ang pag-iimbestiga ng ICC kung siya ang mahahalal na Pangulo. LIZA SORIANO