PINAAAYOS na ng US embassy kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang kanyang visa na naunang kinansela.
Sinabi ni dela Rosa na tinawagan na siya ng US embassy at ipinaalam sa kanya na ang kinanselang visa ay maaari nang maayos .
Kapag natapos na ang COVID ay at maaari nang mag report ang staff ng US embassy ay iinimbitahan ang senador para asikasuhin na ang kanyang visa.
Ayon kay Dela Rosa, tinawagan siya ng US matapos ang pag-uusap ni Pangulong Duterte at President Donald Trump.
May palagay naman ang senador na ang hakbang para muling ibalik ang kinanselang visa ay dahil nagkaintindihan na ang dalawang presidente at nagbigay na ang instruction ang pangulo ng Amerika na ayusin ang visa ni dela Rosa.
Matatandaan na kinansela ang US visa ng senador dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa extrajudicial killilngs noong siya pa ang pinuno ng Philippine National Police (PNP). LIZA SORIANO
Comments are closed.