BATO NASABIK SA CASUAL ATTIRE

Ronald-dela-Rosa

DINUMOG ng shoppers  ang outlet ng True Religion sa isang lifestyle mall sa Seaside Pasay City nang mamataan ang dating PNP Chief at ngayon ay hepe ng Bureau of Corrections na si Ronald dela Rosa na abala sa pagpili ng pantalon na noo’y big sale na hanggang 70 percent off.

Dahil sa presensiya ni Bato, nagpasukan din ang mga namimili at pumili rin ng damit.

Pagkatapos ay pasimpleng lumapit kay Bato ang mga shopper at humiling na maka-selfie na pinagbigyan naman ng dating police general.

Nagambala ang fitting session ni Bato dahil tuloy-tuloy na dumating ang mga shopper, mapadayuhan at bata sa nasabing jean store saka hindi umaalis hangga’t hindi nakaka-selfie sa opisyal.

Nang makapanayam naman ng PILIPINO Mirror ang opisyal, matagal.na niyang paborito ang True Religion pants at ikinatuwa niya na nag-sale ito.

“Maganda kasi ang cut, style at tela ng pants na ito,” ayon pa kay Bato.

Hindi naman ikinaila ni Bato na bibili pa rin siya ng True Religion kahit pa hindi ito sale at sinabing may pambili naman siya.

Hindi naman aniya siya ipokrito na magsisinungaling dahil lamang isa siyang empleyado ng pamahalaan.

Aniya, kaya naman niyang bumili at wala namang batas na sikilin ang gustong bilhin habang hindi naman aniya niya ninakaw ang pambili.

Magugunitang naging viral ang larawan ni Bato na suot ang True Religion pants dahil mahal ito subalit kanyang sinabi na ang kanyang kapatid na nasa Estados Unidos ang bumili nito dahil talagang paborito niya ang nasabing brand.

Inamin din ni Bato na dahil 36 taon siyang pulis ay nasabik siya sa casual attire bukod pa sa uniform niya noong nag-aaral pa siya.

Kahit ngayong may bago na siyang uniform sa BuCor, nananatili siyang sabik sa maong pants, t-shirt at sa iba’t ibang jacket.   EUNICE C.

Comments are closed.