ISANG malaking hamon para sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tinaguriang “Battle of Manila Bay” para masigurong malilinis ito.
Ito ang ipinahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu sa ginanap na 32nd Founding Anniversary ng kagawaran kahapon, Biyernes (June 14).
Ani Cimatu, ang taong ito ang siyang tinaguriang makahulugang anibersayo ng DENR simula nang binuo ito noong 1987 dahil wala umano sa kasaysayan na ang tanggapan ng DENR ay binigyan ng mabigat na responsibilidad gaya ngayon.
Since its creation in 1987 because “at no other time in our history has the DENR been entrusted with responsibilities as heavy as now.”, ani Cimatu.
Ayon kay Cimatu, ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulong Rodrigo Duterte at ng bansa ay “all time high” ng personal mismo siyang piliin ng Pangulo para manguna sa inter-agency task forces na binuo upang ibalik ang ganda ng Boracay at Manila Bay.
Ipinagmalaki ni Cimatu na ginawa ng DENR ang kanilang makakaya upang maibalik ang dating ganda ng Boracay at ngayon naman ay mas mabigat na hamon ang kinakaharap para sa restoration ng Manila Bay upang malinis ang tubig nito na gaya ng dati ay maaaring paliguan at makapangisda.
“I am truly honored to receive kind words and praises from different sectors, my co-secretaries, industry partners and the public for what we have accomplished thus far” pahayag pa ni Cimatu.
Idinagdag pa ni Cimatu na lahat ng papuri at karangalan ng natanggap niya ay binabahagi niya sa kapwa niya manggagawa sa DENR.
“The honor is not mine alone.. I am just your leader but the knowledge, the hard work and the perseverance are all from you. I draw my strength and confidence from all of you.”wika pa ni Cimatu. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.