UPANG makasabay sa inilarawan na bagong ‘running era’ sa bansa, ang nalalapit na Battle of the South ay magbibigay sa mga kalahok ng bagong karanasan sa pagsabak sa isang team event.
“As runners, it’s easier to stay on track with your goals when you run as part of a group,” pahayag ni Ana Therese Cruzate, race ambassador ng event na gaganapin sa Sept. 7 sa The Levels sa Filinvest, Alabang.
“We wanted to extend this benefit into an actual competition by allowing runners to identify with their organization and compete as part of a team, they can push themselves more to achieve their race day goals,” wika ni Cruzate sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex noong Martes.
Ang mga event na nakalinya sa race day ay kinabibilangan ng 3K, 5K at 10K, at ng kapana-panabik na 1K pet race.
Sinabi ni Cruzate, na sinamahan sa forum nina Beaujet Salting, marketing officer ng New Era Philippines, at Zelli dela Cruz, marketing manager ng Dani Group, ON shoes distributor sa bansa, na ang team event ay limitado lamang sa 5K at 10K.
Ayon kay Cruzate, matapos ang registration, kailangang sabihin ng runners kung tatakbo sila sa individual o team event, kung saan ang oras ng limang pinakamabilis na male at female entries per team ay bibilangin sa pagtukoy sa top finishers sa karera na inorganisa ng Podium Sports.
Aniya, ang lahat ng finishers ay tatanggap ng dog tags na may nakaukit na “5K Finisher” o “10K Finisher.”
Bibigyan din ang mga runner ng race singlets na may pangalan nila sa likod ng kanilang team o organization logo sa harap.
Ang registration fees ay P1,350 para sa 10K, P1,250 sa 5K, P1,250 sa 3K at P950 para sa1K pet race.
Ang flagoff times ay 5 a.m. para sa 10k, 5:15 a.m. sa 5K, 5:30 a.m. sa 3K at 7 a.m. para sa 1K pet race.
CLYDE MARIANO